this on Facebook!

Sa Jeep ulit

Posted by: Klet Makulet,

Ang napapakinggan ko ngayon sa radyo ay si Papa Jack, sa halip na maikwento ko na kaagad yung kwento ko, biglang yung kwento nya sa radyo ang napagtuunan ko ng pansin.



Ang sabi nya, sa Commonwealth daw, ang speed limit na ay 60. Pero sa halip daw na mapabagal sya ng takbo, napa-80 ang bilis nya ng takbo dahil yung speed limit gauge daw ay itinutok sa kanya, akala nya baril. Naiimagine ko bigla. Baka nga kung ako yun (kung marunong man akong mag-drive) baka sumagad sa metro yung takbo ko o mas matindi, titigil ako at tatakbo na lang palayo.

Anyway, di naman kasing katatawanan ng kwento ni Papa Jack ang kwento ko. Mga bagay-bagay lang na napansin ko sa jeep ito (bukod sa mga dati ko nang napansin) na dahil sa kawalan talaga ng gagawin habang bumabyahe, ay talagang hahanap ka ng papansinin.

Una, kanina ko lang napagtanto (napansin) na ang hawak pala ng lalake at babae sa hawakang bakal sa bandang ulunan (di ko alam ang tawag dun) ay magkaiba. Ang mga lalake ay nakaharap palabas ang kanilang palad samantalang ang mga babae, ay nakaharap sa kanila ang mga palad nila habang nakahawak sa bakal.

Ikalawa, ang mga babae, ang average o halos madalas na pinaka-malaking bukaka na nila (yung totoong babae ha) kahit nakapantalon ay di lalampas ng kalahati ng size ng ruler. Ang mga lalake, pwera kapag siksikan, ay lampas ng isang ruler ang agwat ng mga tuhod nila. Minsan, kahit siksikan, ipipilit pa ding bumukaka. Dati ay nagtataka pa ako kung bakit ganun. Badtrip na badtrip pa ako sa mga lalake noon. Sarap sipain ang gitna nila lalo na pag hindi ako makaupo ng maayos.

Syempre, alam na natin na nakikipagpaunahan ang lahat sa pagsakay at makaupo sa dulo (malayo sa driver) na bahagi ng jeep. Unang una na dito ang dahilang ayaw nilang mag-ala kundoktor na taga-abot ng bayad. Dati, dadalawa lang kami sa jeep at pareho kaming nasa dulo, kaso ako ang mas malapit sa driver, pinag-aabot ako ng bayad, sinungitan ko at sinabihan ko na siya na ang mag-abot (ke lalakeng tao ako pag-aabutin eh ang layu-layo kaya nung dulo sa driver...siya ang lumipat at nag-abot).

Idagdag pa yung di pa dumidikit ang pwet mo sa upuan, halos, iduldol sa mukha mo ang bayad nila para i-abot mo. Dalawa lang ang ginagawa ko, it's either sabihin kong "sandali lang po (sabay hanap muna ng pambayad sa bag)" o kaya naman ay sasabihin ko "pwedeng paupuin mo muna ako? iaabot ko yan, maghintay ka lang!"

Meron din naman na may napakalaking space pa sa dulo malapit sa driver, ipipilit isiksik ang sarili sa masikip na lugar. Sinasamaan ko talaga sila ng tingin. Dun man lang makaganti ako. malay mo, magkatotoo na nakakamatay pala ang tingin.

Pag may nagyoyosi naman (marami pa din kasing pasaway eh), ang ginagawa ko, simangot to the max ako tapos paypay kunwari ng panyo o kung anong bagay sa mukha ko na kunwari talagang naaalibadbaran ako, o kaya naman ay ubu-ubuhan ang acting ko. Minsan, itatry ko naman yung kunwari hinihika ako tapos magkikikisay ako sa jeep. Tingnan ko lang kung di tumigil yung mga yosi boys sa jeep. Minsan gusto kong magkunwaring alagad ng batas kuno para matakot kaso naka-uniform ako lagi kaya di pwedeng magsinungaling. O kaya pagmumultahin ko sila para may panglamon ako.

Naiinis din ako sa mga taong di marunong magtabi ng gamit nila. Minsan inuupo pa ang bag nila o plastic na akala mo may bayad yung gamit. O kaya naman isasampa pa ang paa nila na parang nasa bahay lang sila. Okay lang naman kung maluwag ang jeep, kaso siksikan na eh. Masaklap pa dito, umaandar na ang jeep, di ka pa makaupo dahil ni isa sa mga hinayupak na mga pasahero ay ayaw gumalaw. Kapag naman may nakikita ako na hirap umupo, pinapansin ko talaga yung may space pa at ayaw mag-move, sasabihin ko "excuse me, paki-move ng konti, kawawa naman yung bata/ale/matanda/etc. di makaupo ng maayos... pare-pareho lang naman kayo ng bayad umupo ka ng maayos nakakahiya ka sa balat mo akala mo sa iyo itong jeep na ito at kahit sa iyo ito ay di ka dapat ganyan kasi di ka kikita sa ganyang arte mo. Umayos ka! (syempre hindi ganun kahaba...echos lang!)"

Meron ding mga matatanda na kasama ang kanilang mga chikiting na kung makakalusot, di na nga nagbayad ng bata, iniuupo pa at sasabihing wala nang lugar para sa pasahero, maiupo lang ang bata ng libre. Minsan nakakita ako ng ganun, e echusera ang mga kasabay nyang matatanda, napahiya pa sya dahil pinag-usapan siya ng harap-harapan at sinabing di na nahiya at nagsinungaling pa at di kinakalong yung bata kahit di naman bayad.

Maraming-maraming kwento sa loob ng jeep o sa iba pang pampublikong sasakyan. Kaya minsan, kahit pagod ka na, dahil may live entertainment ka, nababawasan ang bagot mo sa buhay. Wag lang talagang nakakainis yung nakikita mo.

Ano pa bang nangyayari sa jeep?


9
hahahahahahahha!

ang dami kong tawa neh!!!

ay babae pala ako kasi ganun ako humawak sa bakal, at never ako bumubukaka lalo na pag naka-skinny jeans akiz hihihi

ay dyusme, ayaw na ayaw ko din ang mga lintik na ayaw umayos kesehodang may nahihirapan umupo! maawa naman kayo dun sa isang pisngi lang ng pwet ang nakaupo!
talagang sukat na sukat ang pagkakabukaka ng girl at boy sa upuan ha hehehe...

mga eksena sa dyip. mas madami tayong mapapansin na ikasisimangot natin. hehehe.. ang ikinaiinis ko sa ganyan eh kung may kasakay ako ng kung magdaldalan ay sya sya mo ng mga binge. Pag kababaihian eh may tilian pa.. ay naku po...

mabuti na lang may dala ako lag na MP3, saksak ko lang sa tenga at bahala na kayo jan hahaha :)
@Jayvie - korekek! naranasan ko nang umupo sa sahig sa inis ko. nahiya naman yung lalake kaya sumabit na lang sya (kung di pa tinulak ng gf nya di magbibigay ng upuan)

@ISTAMBAY - naku isa ka ring korekek! kala mo nasa palengke hehehehe (although minsan ganun ako lalo na pag may sayad ako sa utak... madalas pala yun hahahaha)
Anonymous said...
March 7, 2011 at 2:45 AM
hahah papa jack...
neh! hahaha wawa ka naman! haha

ay kainis din yung nagbabayad ng sampung piso tapos sasabihing "isa lang po". kung mapagkasya nya ang dalawang pasahero sa sampung piso, bibigyan ko sya ng bente pesos.
@kikomaxxx - oo alam ko nakikinig ka sa kanya wehehehe

@jayvie - ganun talaga kahit may pera sila mangugulang pa rin hhehehe
hehehe ang pinaka hindi ko lang makakalimutang eksena sa jeep eh yung manong na taga abot ng bayad binulsa yung bayad ng taga abot. hehe

madalas din akong bumukaka. hehe. pero kapag pumupweseto ako sa jeep dun ako sa front seat o kaya sa likod ng driver ^_^
@kikilabotz - tindi naman nung manong na yun. pinabayaan mo? ako papansinin ko yun para mapahiya

Okay lang naman kung nasa harapan ka pwera lang kung pati yung area ng driver eh sinakop ng pagbukaka mo wehehehehe
Naku ok na yan. keysa ung nakita kong video sa youtube, sa MRT may naghahalikan. Parehong lalaki ahahahaha
 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com