this on Facebook!

Handa sa New Year

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Una sa lahat, Happy New Year!

Bukod sa walang humpay na putukan, kalampagan, at pagtalon (para sa mga umaasang tatangkad pa), isa sa pinagkakaabalahan nating mga Pinoy at kahit na siguro yung mga nasa ibang bansa, ay ang handa para sa bagong taon.

Anu-ano ba ang hinahanda nyo para sa new year?

Kami, eto ang madalas at di namin pinagsasawaang mga inilalaman sa hapag-kainan:

Pork Barbeque or Inihaw na Liempo
Bata pa lang ako ay talagang part na ng handa namin ang inihaw na pork. Sa katunayan nyan, may remembrance ako noong elementary pa ako dahil sa pag-iihaw ng bbq. May nalaglag na nagbabagang uling sa sahig ng balcony namin at natapakan ko. Hanggang ngayon, nasa talampakan ko pa din yung souvenir nung new year na yun.

Simple lang kasi ang pagpeprepare nito (kung tinatamad na magtuhog-tuhog ng baboy, pwedeng buong pork na ang iihaw at pagkatapos deretso na sa sikmura). Para sa madaliang paraan: Imamarinade ang pork sa pinaghalu-halong kalamansi, toyo, vetsin at garlic. After an hour or two, pwede nang iihaw. (Naglalaway na ako =P~)

Sopas or Sotanghon Soup
Pampainit ng tiyan. Ito ay para ihanda ang ating sikmura sa umaatikabong lamunan para sa bagong taon. Iwas impatso at dyspepsia. Maganda rin na pampagising sa mga inaantok na. Pwede ring pampadulas ng lalamunan para kahit di uminom ng tubig ay hindi mabubulunan.


Spaghetti or Pansit
Parang birthday din kasi ang bagong taon. Para humaba ang buhay. Dati, karaniwang spaghetti ang niluluto namin, hanggang magkaroon ng bagong miyembro ng pamilya, si ate na ang gumagawa ng Carbonara. Kung minsan naman, may pansit na, may spaghetti at Carbonara pa.


Loaf Bread / Puto / Cake
Pampadami. Pansama sa pansit o spaghetti. Pag namigay sa kapit-bahay, may pangpuno sa natitirang space sa plato.


Salad
Pinakamadalas ay buko salad ang ginagawa namin. May nagdadala kasi minsan sa amin ng libreng buko kaya nakakapag-salad kami. Minsan naman ay macaroni salad o kaya fruit salad. Di ko pa yata nagagawa na maghanda ng veggie salad, ang mahal kasi ng mga ingredients eh.


Refrigerator Cake or Graham Cake
Simula noong natutunan ko ito, madalas na nairerequest ng kapatid ko na gumawa ako nito. Madali lang kasi at walang luto luto pang kailangan at kahit bata ay kaya itong gawin. Kailangan lang ng All Purpose Cream (Nestle), Condensada, Dairy Cream or Anchor Butter (yung buttermilk ang gamit ko), at Graham Crackers or Broas. Nasa inyo na din kung gusto nyong lagyan pa ng fruit cocktail para mas maganda.


Tuna Sisig
Ngayong taon ko lang ito natutunan at malamang mapapasama na ito sa mga ihahanda sa bagong taon. Sa mga may gusto ng recipe, hanapin na lang dito sa blog ko :P.


Sizzling Garlic Mushroom
Actually, kunwari lang yung sizzling kasi wala naman kaming sizzling plate *teehee*.

Itong Garlic Mushroom churva na ito ay una naming natikman ng kapatid ko nung minsang nagkita-kita ang barkada nila sa isang parang beerhouse ata yun or bar na may mga babaeng maiiksi ang damit at naka-skater shoes pa. Ayun, tinry ko ito idagdag muna sa spaghetti at hit na hit naman sa panlasa ng pamilya. Ngayon, idadagdag ko ito sa Tuna Sisig kung sisipagin pa ako.


Tokwa't Baboy
Medyo weird pero magandang pangdagdag din sa handa. Minsan nga hinahanda rin namin ito sa mga handa namin sa birthday namin o kahit na anong okasyon. Mababoy kasi kaming kumain :P.


Ilan lang yan sa mga nakasanayan na naming hinahanda sa mga iba't ibang okasyon dito sa amin lalo na pag bagong taon. Sa inyo, anu-ano ba ang madalas nyong i-handa? Share nyo naman!


Merry Christmas sa Lahat!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Isang Maligayang Pasko po sa inyong lahat!

Maging masigla, mapayapa at tuloy-tuloy pa rin sana ang ating pagpopost sa pagdating ng 2010 mga ka-blogger.

Mwah mwah para sa lahat. xoxo


-Klet Makulet


Liquid Eyeliner Tattoo

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments


You can make use of this easy, cheap and safe way of making temporary tattoo by just using a liquid eyeliner.

I am fond of looking at tattoos, whether temporary (henna) or permanent. I even wish to have one someday but I am afraid of the consequences--getting my blood contaminated with AIDS, unhygienic needles, ugly result, allergies, and even removing it immediately.

Not so long ago, I discovered this cheap way of having this henna-like tattoo when I have nothing else to do but to doodle on my skin using a liquid eyeliner.

When my friends saw it, they asked me also to put temporary drawings on their skin.

You will just need a liquid eyeliner (I use Ever Bilena liquid eyeliner because it is cheap and the tip of the applicator is as good as a pen)and a basic skill in drawing.

You can also browse over the internet for some simple tattoo designs.

Here are some of the pictures of what I just did:

















I know it is safe because I am using a safe cosmetic which ladies usually put on their eyes (like mwah).

You can have this even if you are going to swim. Just avoid rubbing the painted body area and also as long as you don't rub it off, it will stay there . I think a water-resistant liquid eyeliner will last longer.


Kalye of Death

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Isang araw. Si Mario, naglalakad.
May nakitang limang pisong barya sa daan,
yumuko, pinulot ang barya.
Sa isang iglap, si Mario, patay na.


Isang araw, si Ben ay nagmomotor.
Medyo nakainom, susuray-suray na sa pagmamaneho.
Mabilis. Napakatulin. Maya-maya, si Ben, nakabangga na.
Siya naman, sugatan, duguan, at nagkanda-bali na ang katawan.

Isang araw, si Nene, kasama ang kanyang mga kaibigan ay naglalaro ng habulan.
Masaya sila kahit na nangingitim na ang manipis pang mga balat at pinagpapawisan.
Bigla-bigla na lang, mula sa kanto, isang truck nawalan ng preno.
Animo lata lang silang sinagasaan.

Isang araw, doon sa kanto. Si Aling Matilda ay pauwi na.
Kitikitext pa ang lola sa bagong Blackberry nya.
Si Tonyo, na noon din sa kanto, sabog sa bato, na-ispatan si Aling Matilda.
Nawala na ang Blackberry nya, tagiliran nya ay butas pa.

Isang araw, sa tapat ng bahay ni Maria. Kakahatid lang ng boyfriend nya.
Isang grupo ng lalake ang biglang nang-trip.
Di agad makasigaw si Maria, halos himatayin sa nakita.
Ang boyfriend nya ay nag-aagaw-buhay na, pera't alahas nila, nanakaw pa.

Isang araw, sa buhay ng tao.
Sa Kalye of Death mami-meet ang iba't ibang klase ng tao.
Ang tinuran ay ilan lang sa mga karaniwang pangyayari.
Kahit anong ingat, agimat at pag-iwas, walang magagawa kung si kamatayan ay handa nang bumawi.



-----------------------------

Kanina pa naglalaro sa isip ko ang mga bagay na yan.
Walang magawa kaya utak ko ay biglang napatula.


Christmas Parties

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Ilang araw na lang Christmas na!

Noong elementary ako, isang Christmas party lang ang napupuntahan ko at yun ay ang party sa office ng father ko. Hanggang nagsimula na akong nag-aral ng kinder, dalawa na ang Christmas Party na napupuntahan ko. Pero isang gift lang ang nireready ko at yun ay ang pang-exchange gift ko.

Paglipas ng mga taon, padami ng padami ang mga Christmas party na kailangan na umattend ako. Nariyan ang party ng school, trabaho, friends, organization, community, associations etcetera.

Bawat party ay merong exchange gift na may price range na 75 (para sa grupong sobrang kuripot) at 1000-up (sa magagastos na akala mo anak nina Ayala at Zobel.)

Bukod sa mga exchange gift para sa mismong party ay may mga manito-manita o monito-monita. Ewan ko ba kung sinong nagpauso nyan. Minsan puro walang silbi ang nagiging palitan ng gift. At naalala ko pa yung "something yucky" na natanggap ng kaklase ko noong high school, isang feminine napkin na kunwari may menstruation. Kadiri talaga!

Bukod pa ulit sa exchange gift at manito-manita, ay ang ambagan sa food at mga prizes lalo na kung walang budget ang grupong may pakana sa party na idadaos.

Kapag tumanda ka pa, may mga anak anak na yung ibang kasama mo na hihingi ng pamasko kahit di ka ninang o ninong.

Pagkatapos ng December, gumagapang ka nang sumasalubong sa bagong taon.

Pero, kahit na maraming pinagkakagastusan, masaya pa din tayo, lalo na ang mga Pinoy, sa pag-attend at pakikiisa sa isang katerbang Christmas party. Ang mahalaga kasi dito ay yung kasiyahan, reunion o pagkakasama-sama sa isang salu-salo kahit na halos oras-oras mo naman kasama, ang gift-giving, sharing, at ang malupit ay yung surprise na dulot ng pagbubukas ng regalong natanggap sa exchange gift.

--------------------------

segway muna sa topic:

may HS batchmate ako na ilang beses na akong tintry kausapin sa facebook chat at ngayon lang kami nagkausap talaga. Medyo di naging maganda ang kinauwian ng usapan dahil lang sa isang simpleng tanong niya na nalimutan yata niya na naitanong pala niya at akala ay ako ang nagtanong, o malamang magulo lang yung tinype nya. Ilang beses kong tinry i-cut yung usapan para di humaba at maging disaster ang ending, pero mukhang may topak, sabi ko na lang na okay na yun at baka wala sa isa sa amin ang nagtanong. hihirit pa sana pero nagpaalam na ako. With matching smilies para di magmukhang galit ang message ko. Greet ko na din siya in advance ng Merry Christmas sabay close ng facebook.

Kakatapos ko lang mag-confess pero andami agad na nagpipilit sa akin na magkasala. Nananahimik ako pero ako itong ginugulo. Hanuba?! Anyway, kahit medyo palaban at prangka ako talaga, di ko na lang pinatulan. Wala ako sa mood.

Sana di na maulit yun. Di na lang din siguro ako makikipagchat lalo na sa di ko naman talaga ka-close wahehehhehehe joke!


NEW

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Before magtapos ang taon, maraming new na dumating sa buhay ko.

As in bonggang-bonggang mga pagbabago.

New number.
May new number na po ako sa Globe. Pina-cut ko na yung dating line na namana ko pa sa kapatid ko na namana naman nya sa boss ng boss nya. Isa yata ito sa mga pinaka-unang line sa Globe.

Medyo natagalan bago ko nakuhang ipa-cut yung line dahil una, hindi sa akin nakapangalan yung number; ikalawa, sayang yung free call na 42 minutes at 135 free texts; ikatlo, sayang ang 20,000 na allotment, meaning kahit ilang buwan ko na di bayadan basta di lumalampas ng 20k ay di ako mapuputulan ng linya.

Pero dahil sa una(ulit), di naman pwedeng gamitin sa other network yung free text; ikalawa, wala akong rebate na makuha kahit lampas na ng sampung taon ang linya na ito; ikatlo, yung extra text to other network ko at yun mismong bill ay may VAT pa (hindi inclusive); ikaapat, madaming nagtetext sa akin na ayoko nang makausap (harhar joke lang); at marami pang iba... naisip ko, it's about time na magbago na ako ng number.

So sa lahat ng mga friends ko na may dati kong number sa Globe, bago na po. At wala akong balak ipost yun dito syempre whehehehehe


Bagong Phone.
Yung China phone na kakabili ko lang ay naibenta ko na after ilang weeks. At dahil nga may bagong postpaid subscription ako, may phone itong kasama, di nga lang libre--nagdagdag pa ako hmp!

Anyway, okay naman sya, mas madali mag-internet at madaming magagandang features. Yun lang may ilan ding pangit.


Bagong timbang.

Yes! Ilang bagong kilo nanaman ang nadagdag sa akin. I can feel it. Dabiana na nga ako. Hayz.

Tinatanggap ko. Certified overweight blogger na ako waheheheh. Okay lang naman. Ang ayaw ko lang ay yung ume-echo palagi yung mga comment ng mga tao sa paligid ko na akala mo naman napakadali nung pinagdadaanan ko. As in pati kinakain ko ay pinapansin. Hello! Nagpipilit naman akong magbawas ng calories. Hindi nga lang biglaan ang pagbalik ko sa dati kong sexy na katawan (gwark!)

Dati, ang description sa akin ay maitim, pero payat. Ngayon, maputi na mataba na. How sad!

Basta, next year... basta hahahahaha.


New virus.
Hachooooooo. Yun na!


Sana sa new year ay marami pang bago--bagong ganda, bagong kaseksihan, bagong bango, bagong pera at kayamanan, bagong friends, bagong business, bagong sasakyan, bagong phone, bagong laptop/notebook, bagong laruan...etcetera etcetera!


Late

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakakahiya naman.

Naiinis ako sa mga nalelate pero ako ngayon ay nalelate na din. How sad.

Teka hahanap ako ng masisisi. Hmmm. Kasi si manong driver, parang dating driver ng punerarya sa bagal magpatakbo ng jeep. Ang matindi pa nyan, kahit yung nasa napakalayo pa na pasahero ay pilit hihintayin at si pasahero naman, dahil hinihintay, lalog nagbabagal.

Idagdag pa natin ang mga madadaldal na pasahero na chumichika sa driver. Ang sarap-sarap kutusan. Lalong nasisira ang concentration sa pagmamaneho. Lalong bumabagal. Ang 5 to 10 minutes na byahe ay inaabot ng 20 to 30 minutes.

Kahapon ay ay talagang di ko kinaya ang tagal namin. Ito din yung sasakyan na nagpa-late sa akin kaninang umaga. 1 and 1/2 na oras para sa ilang kilometrong layo sa bahay namin. Di naman masisisi ang traffic dahil kahit ganoon ay nakakayang lusutan yun sa loob ng kalahating oras.

30 minutes ahead of time na nga nalelate pa. Grabe!


PBB mania

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Di tulad dati, di na ako masyadong nag-uubos ng oras para sa palabas na ito ng dos. Nanonood na lang ako para mag-update sa iba kong blog like mga nomination at eviction night nila at idagdag na din pag alam kong may nakakatuwang palabas na di dapat palampasin.


Wala din dapat akong balak na mag-blog tungkol sa PBB dito sa blog ko na ito kasi...wala lang. Naisip ko lang ayokong masyadong magpahalatang fanatic ako ng mga Melason loveteam o kasali sa original House B haters blah blah blah.

Ilang beses na din akong sinabihan ng ate ko na gusto nyang i-blog ko daw yung pagkadisgusto niya sampu nang kanyang mga kaopisina sa mga housemates na sina Rocky, Patrick, Sam, Rob, Tom, Yuri, Marielle, Hermes, at Carol.

Noong una, ayoko. Dahil ayoko nga na mahaluan ng showbiz ang blog ko. Pero dahil wala akong maipost ngayon at medyo matagal na din akong walang update at medyo nagiging apektado na ang mga manonood ng PBB (base sa nababasa ko at naririnig sa mga kwentuhan), naisip kong pagbigyan na din ang request na mag-blog about it.

Medyo mahaba ito.

Una, masaya ang bahay kung nasaan ang housemate na si Melissa. Dahil makulit at talagang nakakatawa siya. Sabi nga, masarap siyang panoorin dahil nakakaalis ng stress. Nakakatawa kasi. Kaya nga sa unang bahay na kung saan siya kasali (with Yuri, Marielle, Yhel, Carol, etc.) ay doon (daw) mas maraming nanonood. At nang lumipat siya, nagbago ang ihip ng hangin.

Maganda din sana yung may kambal sa loob ng bahay. Nabuking lang.

Ikalawa, naging kapana-panabik sa mga manonood ang Melason tandem. Noong una, Melay at Toffi at Tofifi(Kenny) ang loveteam na nabuo. Kaya lang nga, nawala ang mga kambal dahil sa nabigo sila sa kanilang task na magtago.

Ikatlo, maraming nainis sa grupo nina Marielle, Yuri at Yhel. Negative kasi sila masyado at isama mo na din yung nagkaroon na ng boys sa house nila dahil double up na din ang pagiging negative nila.

Kung marerecord ko lang ang mga sinasabi ng mga nakakausap ko at kung makakabasa lang kayo sa mga blog o forum na may PBB topic, makikita nyo kung gaano talaga nila ka-hate ang mga nabanggit ko. Pwede na din akong isama sa mga medyo may pagka-disgusto sa kanila, yun lang di naman ako masyadong apektado. Ayaw ko lang talaga sa ugali nila.

Ikaapat, ang mga twist and turn of events. Kakaiba. May mga maganda at nakakatuwa at syempre may pangit. Yun bang mapapasabi ka na "ayaw ko nang manood kasi pangit na" pero nanonood pa din kasi di mapigilang malaman kung ano na ang nangyayari.

Ilang edition na din ang lumipas. May lumevel na din sa pagkakontrabida ni Wendy Valdez. May kalevel na din sa kilig tandem nina Sam at Say, Kim and Gerald, atbp. At kahit na sabihin pang madaming issue, flaws, pangit na decisions at kung anu-ano pa, marami pa din ang nanonood ng PBB.

Sa mga nanonood, hinay-hinay lang sa mga nararamdaman. Baka tumaas ang blood pressure nyo sa panonood at pagkakadala sa mga pangyayari. Sa mga hindi nanonood, okay lang yan, kanya-kanyang trip. Sa ngayon, isa sa mga pinapanood na programa sa telebisyon ang Pinoy Big Brother Double Up.

That all. Bow.


Pasado 2

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

After ako makuhaan ng ilang mga puting buhok dala ng stress sa thesis at pati na sa iba pang mga bagay-bagay, sa wakas, nakapag-proposal na din ako.

Di pa naman totally tapos sa thesis, pero nakapasa na ang unang tatlong chapters ko.

Tama talaga ako. Sinabi ko sa kasama ko kanina na malamang walang masyadong itatanong sa akin dahil yung topic ko ay maaaring bago pa sa kanila at di pa nagiging focus ng study. Yun nga ang nangyari.

Unlike sa unang nagpresent (na halos gumapang na palabas dahil duguan sa mga banat ng kanyang mga proposal (exam) committee), parang nagkwentuhan na lang kami at nagpalitan ng mga ideas.

May ilang questions naman (masabi lang na nagtanong) at sa awa ni Bro ay nasagot ko naman, yung ilan ay ang adviser ko ang sumagot kasi kasalanan nya kung bakit yun ang nangyari sa manuscript ko.

Heniway, pasado na po ako sa first part ng aking defense. Nakapag-enroll na ako para sa second semester. Nalaglag na din ang tumataginting na kinse mil (15k) sa loob ng isang oras na ganun-ganun na lang with matching gifts pa.

Ngayong second semester, another gastos ulit pero sana maging worthy yung gagastusan ko. Mahirap kasing magwaldas ng pera para sa wala di tulad nang iba na kahit umulit ng ilang beses ay okay lang dahil di sila ang nagbabayad sa tuition nila at sa iba pang gastos. Pero siguro kahit na libre ako, di ko sasayangin yung pera--ang hirap kayang kumita ng pera lalo na ngayon no!

Sa lahat nang nag-goodluck at nag-pray sa akin, maraming salamat po!


Paboritong Sports ng Bayan

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

Dati, ang pinagkakaguluhang sports sa bahay namin ay basketball.

Basta pagsapit na ng gabi, parang sinehan na ang bahay na napag-usapang panonooran. Walang tao sa daan at sa bawat shoot ng pambatong team, malalaman mo kung nasan ang mga tao.


Noon yun. Hindi ko na alam kung kailan nag-die down ang pagkagusto ng mga kapitbahay namin at pati ng pamilya ko sa panonood ng basketball.

Ngayon, boxing naman. Simula nang sumikat si Manny Pacquiao sa ibang bansa, palagi nang inaabangan ang mga laban nya. Kaya naman pinag-aagawan ng GMA-7 at ABS-CBN ang pagpapalabas ng kanyang mga laban.

Kanina, nagtyaga kami sa panonood ng libreng "pay-per-view" na link na nakuha ng kapatid ko sa tabi tabi.

Medyo naghahang pero ayos lang. Mahalaga libre.

Ang ingay namin. Napaos yata ako. Tama din ang hinala ko TKO ang ihahatol kay Cotto.


Tiniris nga ni Manny si Cotto.(di po sa akin ang petsur na yan ... hiniram ko lang wehehehe)


Pag Naiinip Sa Sementeryo

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Dahil medyo nakakainip ang magpalipas ng oras sa sementeryo, nagdala ako ng pagkakalibangan katulad ng sudoku (iba ito kay Sadako na mumu). Pero bukod doon, syempre sa gabi, di ko na makikita pa ang sudoku dahil madilim, napagtripan ko ang cellphone ko na medyo may kalumaan na.

Madaming kandila at madilim. Kung nakapanood na kayo ng Christmas Station ID dati ng ABS-CBN at ang commercial ng Nescafe, makikita nyo yung parang nakakapagdrawing sila using light. Di ko alam kung may special flashlight ba sila or something pero natutunan ko sa kapatid ko ang effect na ito sa kapatid ko noong nagsasample kami ng kanyang camera.

Tinanong ko ang kapatid ko sa kung anong tawag sa effect na yun. Paint with Light daw. So heto ang mga light paintings ko. Maliliit na lang ang ipopost ko kasi medyo madami dala ng kawalan ng magagawa. Pati mga pinsan ko natuwa sa ginawa ko kaya pati sila ay nakigaya na.








Mukha akong baliw nung ginagawa ko ito kasi ayon sa pinsan kong babae, akala daw nya naghahanap ako ng signal kasi taas ako ng taas ng cell phone ko, tapos pa-sway-sway din ang kamay ko at may dinadrawing-drawing pa ako sa hangin.

Buti na lang wala akong napicturan na kakaiba habang ginagawa ko to. :P


Scary Santi

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

6 a.m. gising na gising pa ako. Siguro from 4:30 to 6:00 lang ang naitulog ko o baka less pa. Paano ba naman itong si Santi (isang pasaway na bagyo) ay nananalasa sa Pilipinas.

1 a.m. parang may bowling session sa kisame namin dahil sa lakas ng hangin ni Santi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako kahit na alam ko na safe kami sa baha o sa landslide. Pero baka malay mo biglang may mangyari tulad sa Manila at Pampangga o Baguio. Mahirap na.

Noong Friday, sabi ko sana ay wala kaming pasok ng Saturday. Sana i-declare. Eto yata yung sagot sa panalangin ko. Pero simula nang dumating si Santi, walang tigil ako sa pagbawi sa hiling ko. Sabi ko kay Lord "Okay lang po na may pasok kami ng Saturday hinaan nyo lang po ang bagyo."

Lumabas na lang ako ng room ko at nangulit sa magulang ko. Nabawasan yung takot ko kasi alam ko na safe ang bahay at safe ang family ko. Sa room ko kasi medyo exaggerated ang tunog. Parang Dolby digital surround sound masyadong malakas at akala mo nasa loob ng room yung bagyo. Akala mo wala na yung bubong sa lakas ng kalampag pero pag labas ng room, medyo mahina lang naman.

Mabait si Lord, humina nga ang bagyo after ilang oras at signal #2 na lang kami mula sa kahapong signal #3. Pero uncertain pa din ako kung may pasok kami o wala. Tumawag na ako sa pinapasukan ko, walang sumasagot. Baka nilipad na sya.

Sana nga walang pasok. Baka absent ang ihatol sa akin pag nagkataon.

Sa ngayon 7 a.m. na wala nang ulan at hangin. Nagiisip pa din ako kung papasok ako. Sana wala!


Trip to Alabat Island

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Para pa rin akong inaalon. Garsh!

Az and I went to Alabat Island. Alam nyo yun? Sa Quezon Province yun.

Eto ang mapa:



Yung naka-pula sa isla ang Alabat Island. Mga isa at kalahating oras pag bumyahe gamit ang malaking bangka na may katig at isang oras naman kapag Roro ang sinakyan.

Pagdating namin sa Atimonan Port (pantalan) nanlalamig na kaming dalawa ng kasama ko dahil nakikita namin ang alon. Medyo malakas at may kalakihan. Ang paalala sa amin ng mga matatanda, wag tutuloy kapag maalon. Kaya lang sabi naman nung nasa port na natural na klase ng alon lang yun. So kahit kinakabahan ay tumuloy kami.

Heto ang itsura ng alon sa Atimonan Port:



Parang isdang patalon-talon sa tabi ng port yung mga bangka pati yung Roro (medyo maliit na barko na kayang magdala ng mga sasakyan tulad ng jeep at cars). Naunang tumulay pasakay sa bangka ang kasama ko at ako ay naiwan na nakatulala habang iniisip ko kung paano ako tatawid sa makitid at tumataas-babang bangka. Buti na lang inalalayan ako nung manong. Wag daw akong mag-alala, wala pa naman daw nahuhulog doon. (maniwala ako!)


Eto naman yung sinakyan namin na malaking bangka na may katig:



Adventurous at exciting ito! Para kaming nakasakay sa Viking o Anchors Away. Sumisigaw ang mga kasabay naming mga first-timer din. Kami naman ay tawa lang ng tawa. Sila di nag-eenjoy. Mukhang natatakot at nahihilo na. Kami naman, though aminanong kinakabahan ay inenjoy namin ang trip na ito.

Sa bandang Alabat Island ay kalmado ang tubig. Maganda. Malinis. Mukhang simple ang klase ng pamumuha ng mga taga-rito.




Sandali lang kaming nag-stay dahil hanggang 1:30pm lang pala ang last trip mula sa Alabat pabalik sa Atimonan, Quezon. Buti na lang nakasakay kami sa Roro. Medyo mas nakakatakot ng konti kasi nga malaki, ramdam namin ang paggiling-giling ng barko. Hanggang ngayon nga ay para pa akong hinehele ng dagat.

Heto yung Roro:



Eto yung sa roof deck (Regular passenger kami at di kami dun sa Aircon na room kasi di kami mageenjoy:



Eto pa! Nung patawid na kami sa bakal na tulay ng barko, biglang umusad palayo ang barko dahil sa biglang malakas na alon. Napaurong pa tuloy kami. Muli, inalalayan kami nang mga mababait na manong. Salamat.

Sinong mag-aakala na makakarating ako sa mga lugar na malalayo at makakasakay sa mga nakakakabang sasakyang tulad nito. Wala! Naenjoy namin ni Az ang Alabat Island. Sa uulitin!


Makulet's Business

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Sa hirap ng buhay, kailangang dumoble kayod. Lalo na at nag-aaral pa ako at di ko kaya na basta yung maliit na sweldo sa work ko lang ang ipangtutustos ko sa pag-aaral. Kaya isip ako ng isip kung ano pa bang raket ang mapapatos ko para kumita ng extra.


Isa sa naisip ko ay ang online business (pwera ang blogging) kung saan magbebenta ako ng aliw kagamitan like murang bahay, lupa, kotse ay hindi pala mga murang accessories ng mga babae o kaya naman mga damit, sapatos pero ang problema, di naman ako gumagamit nun so malamang wala akong masyadong idea tungkol dun. Pero iniisip ko pa din yun kung may masisimulan ako.

Isa pa sa iniisip ko ay ituloy ang naunsyaming business namin ng aking mga batchmates. Ang tusok-tusok business mga fishballs, kikiam, kwekwek atbp na pwedeng itusok sa maliit na stick. Tapos iced tea o kaya shake. Medyo mamumuhunan lang ako ng kaunti at presto may business na ako. Medyo naiisip ko lang kasi na talo ako sa bayad sa upa sa lugar kasi makikihati ako sa space sa shop ng kapatid ko. But anyway sabi ko nga, why not give it a try. Kumita man lang ako ng konti bawas na yung mga bayarin sa lpg, tauhan, at rent sa space ay masaya na ako.

Ipupuhunan ko na siguro muna ang sumobrang pera ko na pangthesis ko.

--------------------
Speaking of thesis, naapprove na pero di pa din nangyayari ang proposal ko. Baka inugatan na ako dito ay di pa din ako makatapos. Gusto ko nang gumradweyt!!!


Nakadalawa na pala ako

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Nung July, nagpost ako ng Klet Makulet's Want List. Bale walo lang ang nilista ko kasi yun ang sa tingin ko ay gustung-gusto ko talaga. Sabi ko pa nga noon ay mga sampung taon siguro ang aabutin bago ko matupad ang mga yun o malamang imposible.

Pero pero!!! Nakadalawa na ako day!!! Aba akalain mo makakatupad din pala ako ng wish want list ko. Tenchu Lord!

Heto yung list ko (yung naka-slash out ay natupad ko na):

1. Printer
2. Digital Camera
3. Wrist Watch
4. Cellphone
5. Speaker
6. Lan Cable
7. Notebook
8. Portable HD

Yung printer ay kahapon ko lang nabili. Canon Pixma iP1980. Maganda pero malaki at maingay parang ako hehehehe. Yung cellphone naman ay nakuha ko lang sa bangketa (joke) dual sim na nokia (di ko alam ang klase) at dahil dual sim ibig sabihin di siya orig at isa itong impostor. As i've said kailangan ko lang ng extra phone para sa Globe ko at pati Talk n Text ko ay naisama na din bongga!


Magastos na libre

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Garsh! Anlaki ng nalibre ko sa pagpapacheck-up ko. Mga 3 consultations x 500 e di 1500 na yun. Tapos andaming mga lab test like 2D Echo at blood chem, urinalysis etc. Mga lampas din yun ng 1k.


Kaya lang kakalibre sa akin. Binawian naman ako sa gamot.

Yung 2D Echo ko na result ay may "mitral valve prolapse" daw ako. Okay wla na akong magagawa pa dun. So binigyan ako ng mga gamot.

Urinalysis ko ay normal naman daw. Samantala ang aking Blood Chem ay mataas ng konti sa normal ang aking chole-chole...Cholesterol! :P

Di naman yun bago sa akin kasi talagang tumaba ako. Ang hinihintay ko lang ay yung bigyan sana ako ng doctor ng pampapayat na gamot. Kaya lang puro supplements ang binigay sa akin. Biomega at Proflavanol. Sabagay at least wlang side effects sa akin.

Nataga naman ako sa presyo dun sa antibiotics na nireseta sa akin. Kasi tinanong ako kung may sorethroat ako e sakto kahapon ay nilalagnat-lagnat ako so sinabi ko. Dyukopo tumataginting na 90 pesosesoses ang isang tableta x 14 for 1 week yun. Laglag ang kadatungan ko.

All in all ang libre ay naging magastos pa. Pero at least kahit paano nalibre nga ako sa doctor's fee at sa aking lab tests. Salamat sa health card ko. Di nga lang ako nakapagpa-PT para sa aking ankle sprain kasi nga masama na ang pakiramdam ko.

Pero kahit may sakit ako nakapagpa-check pa ako ng thesis ko at nakapagpapirma para sa proposal defense. Bukas papasok na talaga ako. Pramis!


Tsek ap

6
Posted by: Klet Makulet, 6 comments

Kung noon ay payat ako at maitim (hmm di naman masyadow,) ngayon naman ay mapusyaw na ang kulay ko (parang mula sa kape ay naging milo na lang... joke) ay tumaba naman ako ng sobra. Parang may mali.

So ayun nga, mataba na ako. Weno naman?! Heto namimigat syempre, madaling mapagod, masikip ang damit, malakas lumafang, and so on and so forth...

Nung minsan nakakaramdam ako ng istres at konting discomfort sa katawan. Kaya napagpasyahan ko na mag-absent muna at harapin ang aking sarili. Medyo pasaway pa din kasi umiinom pa din ako ng alkohol (supdriks ba) saka ngumangasab ng nagmamantikang taba ng baboy (yeah!)

So kanina ay nagpa-check up ako kay doctor doctor I am sick. Sinabi ko na may sumasakit sa puso ko at hindi ito inlababo o winasak na puso kundi naghihingalong puso at iba pang mga reklamo na madalas na nyang naririnig sa kanyang pasyente. So nirequire nya ako na magpa-2D Echo. So go lang ako. Malakas ang loob ko kasi covered ako ng card ko.

Tinanong ako nung miss kung first time ko. Tumango ako. At pinapasok na ako sa room. Pinahiga ako ng babae at sinabing tanggalin ko na daw ang strap ng bra ko (huwattt?!) Okay, OA na reaction lang yun saka joke lang. Di ako tumutol. Akala ko yun lang ang ipapagawa sa akin (hikbi) yun pala ay may mas masama pa siyang binabalak. Pinataas nya ang damit ko hanggang dibdib. Kung noong nagpa-ultrasound ako ng aking mga laman loob, ay hanggang pisngi lang ang nakikita sa aking mga hills (hills kasi di sya kalakihan wahehehehhe) ngayon ay gusto nyang alisin ko na ang bra ko. Di ako tumutol. Napakagat labi na lang ako at tumulo ang luha (charot!)

Ayun, medyo matagal at madiin ang lola mo sa paggawa ng proseso ng 2D echo na yun. Inikot-ikot nya ang umiilaw na something sa tapat ng puso ko. Nakatagilid ako kaya di ko makita ang pinipindot pindot nya sa computer. Iniisip ko baka magka-scandal ako. At di pa siya nasiyahan sa burlesk kong katawan. Pinataas pa nya ang kaliwang kamay ko sa unan. Feeling ko tuloy, ako si Rose ng Titanic na dinodrawing ni Jack.

Binigyan na nya ako ng tissue to wipe off the excess jell at gusto yatang maki-touch, naki-wipe din sya. Hahay!

After ko magpaboso. Dumeretso ako sa SM at nag-grocery. Pag-uwi ko, medyo sikip na yung jeep pero nagtyaga na ako kasi gusto ko nang makauwi agad. Dalawang lalake ang katabi ko at medyo may kalakihan ang mga katawan kaya nag-lean ako forward para yung mga braso nila ay di dumidikit sa aking side. Ayaw ko kasi nung ganun napaka-uncomfortable. So in short, nahihirapan ako ng konti sa aking posisyon. Nagmomove ako palayo sa guy na nasa kaliwa ko kasi galaw sya ng galaw at kinukuha nya lagi sa bulsa ang kanyang phone. At di pa siya nasiyahan, dahil medyo malaki ang space sa likuran ko, nilagay nya ang kamay nya sa upuan. Dun na ako nagalit. Sabi ko "pwede yun kamay?!" (di pa tama ang sentence ko pero nagets na nya, ikaw na ang taasan ng kilay at simangutan) sabay bumulong pa ako na..."hirap na nga umupo tapos gaganun pa!" Matagal ko na din gustong gawin yun sa lahat ng mga katabi ko lalo na yung mga guys na insensitive o masyadong kups at manyak talaga. Sinasadya o hindi, dapat alam nila kung paano ang pagrespeto sa katabi. Hmp! Imbyeran. Pati kanina sa isa pang jeep na sinakyan ko sabi ko "Makiki-move na nga po!" kala mo kasi pag-aari nila ang upuan. Kulang na lang humiga na sila dun.

Totoo nga ang sabi sa horoscope ko, magiging masyadong prangka ako sa loob ng anim na buwan. Garsh ang ganda ko! joke lang!!!


If I were a boy

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

"If I were a boy
even just for a day
I'd roll out of bed in the morning
and throw on what I wanted and go"


Bagay na kanta ng mga babaeng pusong lalake...pero wala bang "If I were a girl" para patas naman sa mga lalakeng pusong babae. *joke*

Anyway, hindi ko planong i-topic ang identity crisis ng iba. Feel ko lang yung kanta.

Naiinis ako dun sa guy. Affected! Hehehe.

Sa babae, more on emotion ang reason nya but for the guy, ang dahilan nya for acting like that is because para sa kanya, basta umuuwi sya sa girl nya ay tama na yun. Parang mali.

Kaya nga pati ang batas kapag nanlalake ang mga babae, matindi na ang kaso samantalang ang mga lalake ay kahit harap-harapan nang nambababae basta hindi binabahay ay okay lang.

Meron pang topic sa isang forum na di ko na napupuntahan ngayon, ang pinagdedebatehan ay kung "innate" ba sa mga lalake ang pagiging "polygamous" kumbaga, natural. Pero di ba, kung gugustuhin nilang maging monogamous eh magagawa naman. Naitatak lang sa isip nila yun. Hindi naman sya norm at lalong hindi tradisyon.

Parang noon. Ang mga lalake lang ang pwede sa ganito at sa ganoong bagay samantalang ang mga babae ay tamang muchacha na lang sa bahay. Buti na lang di na ganun. Malamang sumama na ako sa mga nag-aklas.

Heniway, sa mga kalalakihan na nais i-express ang kanilang naiisip dito ay welcome kayo pwera away ha. Peace! :P


Textmate sa Landline???

7
Posted by: Klet Makulet, 7 comments

Di ko mapigilan ang sarili ko. May tumawag dito sa bahay, sa landline namin. Ang sabi "Can you be my textmate?" WTF?!

Bago yun hello lang ako ng hello at baka kakilala ko ang nasa kabilang linya. Inulit lang nya ang tanong kaya ang sagot ko ay hindi pwede. Pinigilan pa nya ako nung ibababa ko na yung phone. Pero sorry binaba ko.

After 5 to 10 minutes, tumawag ulit. Tinatanong nya ang number ko. Ang sabi ko hindi pwede. Bakit daw. Sabi ko "Alam mo kung katextmate lang kailangan mo, magtetext ka sa kahit na anong number at may katextmate na nya yun." Di pa nakuntento kinulit pa din ako (Ako naman kasi sagot ng sagot gusto din hahaha) Sabi ko sorry may asawa na ako (wala pa syempre... wag muna) May asawa na din daw sya. Sabi ko aba masisira ang pamilya natin sabay baba ng phone.

Di ko gawain talaga ang magbaba ng phone basta kasi nga kabastusan yun kaya lang wala naman ako magawa kaya binaba ko na but di malakas kasi masakit din sa tenga yun hehehehe.

Then yung yaya ng pamangkin ko ang pinasagot ko. Binagsakan nya ng phone. Then tumawag pa ulit yung asawa naman ng kapatid ko ang pinasagot ko. Sabi ko mag-English sya. Tawa ako ng tawa kasi paos o hoarse ang boses. Tawa kami ng tawa. Alam naming nahihirapan yung guy at nahihirapan na din si ate pero nageenjoy. Napatawa nya ako...kami... at in fairness, maganda ang boses nya. Pero wala pa ding kilig factor hmp!


Kilig Factor, Pa-cute Effect

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

I was riding a jeep (naks! English! Sige tagalog na lang baka duguin ako) nang isang babae mula sa isang school ang sumakay din. Mukhang student teacher yata yun.


Di kagandahan, (kung makapanlait akala mo naman...) umupo at maya maya ang paper bag na may mga documents ay nalaglag at halos sumabog ang laman. Slow motion ito. Si babae inabot ang nahulog na gamit habang si lalake sa tapat nya (gwapo ito) ay inabot din ang nahulog na gamit. Nagkatinginan sila. Eeeeenggggk!!! (Buzzer sound.. pano ba yun?) Di yata sila match.

Dun ko naisip ang title na kilig factor. Ang pacute effect ay nito ko na lang naidagdag.

Naisip ko din na parang wala na akong kakilig-kilig sa katawan. Ay meron pa pala. Ganun yata talaga kapag sobra sobra yung kilig tapos di man lang narereciprocate hekhek joke lang. Wala lang talaga akong makitang kakikiligan at walang mga ganung effect ngayon. Matatanda na kasi ang nasa paligid ko. May cute man puro baby o super bata. Baka magalit si Aling Dionisia at sabihing may Magnolia MElk pa ako sa Labeh este may gata pa ako sa labi. Hihihihi <--- landi ng tawa. Sarap kurutin sa singit. Wehehehe


Long stressful Sunday

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

Naka-set ang alarm clocks (with s dahit madami sya talaga) ko mula 4:30 hanggang 5:00 ng madaling araw dahil 6:00 daw ay dapat nasa testing center na kami. Makikibantay kunwari ako sa mga magtetake ng licensure exam ng mga teachers.

4:00 a.m. isang "PAK!" ang narinig ko. Napabalikwas ang sa higaan. May pumutok. Walang ilaw pero may daloy ng kuryente sa mga saksakan. Malamang napundi na ang ilaw ko. Magdamag kasi ito na nakabukas pag natutulog ako.

Buti na lang at naka-charge ang aking baboy lamp kaya may ilaw akong nagamit para makalabas ng kwarto. Wala ding ilaw sa buong kabahayan. Napraning na ako. Andami kong naiisip... baka pinasok na kami ng magnanakaw...baka binaril ang katulong namin (exaggerated na)...at kung anu-ano pa.

Gamit pa din ang baboy lamp, lumabas na ako at tumuloy sa bathroom syempre naligo na. Ang hirap. Di naman kasi ganun kaliwanag ang portable lamp na dala ko.

Wala pang 5:30 ay naka-ready na ako. Buti na lang maliwanag na sa daan.

Tumitilaok na ang mga manok, nagtutwitter este twit twit na ang mga early birds, umeebs na ang mga bagong gising na aso at nagpapaypay na ng mga panggatong ang mga nasa bahayan sa iskinitang dinadaanan ko. Naglakad lang ako palabas ng village dahil wala pang jeep nang ganitong oras.

Dumating ako sa site ng maaga. Nawawala pa kami ng kasama ko dahil di naman namin alam ang gagawin. Pare-pareho kaming baguhan.

Sumunod kami dun sa mga di nakaputi. Puti kasi ang damit ng mga examinees.

Pinapasok na ako sa room kahit wala pa ang kasama ko. Magsulat na daw ako. Whatever. Dumating ang maganda kong co-watcher. Siya na ang pinabayaan kong magtrabaho (joke). Sinabi ko na lang sa kanya na bago lang ako at turuan na lang ako.

Nakakatuwa din pala ang mga teachers at soon to be teachers. Para silang bata na mag-eexam. Karamihan sa kanila ay makukulit at pasaway. Makulit kasi matanong. Naiintindihan ko naman. Mabuti nang magtanong kesa magkamali sa pagfifill up ng mga answer sheet nila. Pasaway naman dahil kahit na ilang ulit na naming sinabi ang instruction ay yung gusto pa din nila ang nasusunod. Garsh.

Ilan sa kanila ay naka-ilang re-take na din. Sana nga makapasa na sila.

Unang dalawang set, may nahuli sa pagsasagot. Di ko alam kung super slow ba sya in comprehension. Basta mabagal sya magsagot. Nasa part II na ang lahat, siya naman ay nasa Part I pa din.

Siya din ang isa sa pinakahuling natapos noong last part na. Nakakaantok magbantay. Kahit ngumuya ako ng ngumuya ng meryenda at maglalakad. Antok pa din ako.

After ng 6 to 6 na pagbabantay, nagsimba na kami. Sabi sa akin ng kasama ko, since daw late na kami ay dun kami sa isang simbahan na maliit malapit sa Cathedral dahil late yun magsimula.

Nakakastress. Kasi una, tabing daan ang chapel na yun kaya rinig ang mga bastos na nagbubusina. Ikalawa sintunado ang tunog ng sina-old na organ at sina-old din ang nagtutugtog. At dahil sintunado ang tugtog, sintunado na din ang mga kumakanta. Pati yung pari ay nagkamali mali na ng tono. Nakakastress na nakakatawa. Nagkakasala pa ako syet.

May tumabi sa amin na mag-asawa yata sila kasi may wedding ring ang lalake (di ko makita yung sa babae). Ang likot nila soooooooobbbraaa. Tingin ko may sakit yung lalake. Parang may Parkinson na MR na di ko maintindihan.

Huli ko nang napansin na kakilala ko pala ang babae. Di ko na pinansin. Siya ang babaeng kinaiinisan ko. Medyo nilalandi lang naman nya ang kapatid ko noon (taken na po ang kapatid ko). Di siya nakakatuwa.

Sa peace be with you portion ay sinadya kong di dumaan ang tingin sa kanila kahit na super nagpapapansin siya sa lugar nya. Paano ko nasabi? Napaka-unusual ng posisyon nya lago syang naka-lean sa luhuran. Di naman siya ganun noong di nya pa ako nakikilala. Siguro gusto nyang pansinin ko sya at kausapin. Asa!

Umuwi na kami agad. Sabi ko sa kasama ko malamang di na ako babalik pa doon. Nakakastress talaga.

Ngayon, heto ako. Absent. Sakit-sakitan. Stressed.


Goodbye Ondoy, Hello Pepeng

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Di pa yata nasiyahan ang Ondoy at nagtawag pa ng kakosa nyang bagyo, yung mas malakas pa sa kanya. Parang nakakaloko ah.

Sabagay, sabi nga ni Kuya Drake (blogger) wag sisihin ang isang natural na pwersa ng kalikasan. Ngunit sana naman di sabay-sabay o sunod-sunod. Papahingahin muna ang mga tao sa hirap na dinadanas. O baka ang gusto nila (ng mga bagyo kung nag-iisip man) ay isahang bagsak na lang para wala na ulit masira pang pinag-ipunang gamit.

Ngayon, sa pagdating ni typhoon Pepeng, iniisip ko ang aso ko. Di dahil sa malamang na babaha kundi alam kong mababasa siya ng ulan at matatakot din sa lakas ng hangin. Ngunit doble naman ang nararamdaman ko para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Inisip ko, paano na sila? Kaya pa ba?

Sana nga less rain itong si Pepeng... yun nga lang expect more wind daw, pano naman yun? Liliparin naman ang mga sasalantahin? Susmiyo naman! Sana mabasag ang bagyo sa pagdaan sa mga kabundukan. Sana mataas si Pepeng at di masyadong bumaba sa lupa.

Ngayon ay naririnig ko sa balita na umaapaw na ang ilang mga lawa... ayan nanaman po.

Goodbye Ondoy, hello Pepeng. Please leave us unharmed.


Di pinag-isipang mga salita

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Naikwento na ng kapatid ko ang tungkol kay Jacque Bermejo. Isang Filipina na naka-base ngayon sa Dubai at nagpagalit sa mga kababayan niya dahil sa sinabi niya sa kanyang Facebook account. Ayon sa umano kanya “buti n lng am hir in dubai! Maybe so many sinners bak der!so yeah deserving wat hapend!” Sinabi kong umano dahil ayon sa bagong statement nya na na-hack daw ang kanyang account at di siya ang nagpost noon. Sino kaya? Hmmm.

Kung totoo man na siya nga yun. Tulad noong isang post ko tungkol kay Tracy Borres ay parang katulad nang kay Jacque. Maaaring di makataong salita na nanggaling sa isang kababayan na katulad ni Candy Pangilinan na binaba ang pagkatao ng mga Igorot na parang di rin sila tao nang humirit siya ng joke na "Tao Po Ako, Hindi Po Ako Igorot." Tao lang din sila at di sila perpekto. Pero di ko sila pinagtatanggol. Alam kong mali. Sabi ko nga, tulad nakararami at malamang kasama ka na din doon pati na ako, nakakapagsalita tayo ng mga bagay-bagay nang di nag-iisip.

Naalala ko yung biglang sinabi ng yaya ng pamangkin ko "maigi at nabawas-bawasan ang tao sa Manila" na nung pinansin namin at parang napag-isip isip niyang mali pala yun. Malamang, naisip ko, dahil di kami nasalanta ay nakakapagbitaw siya ng ganoong mga salita. Siguro kung may kakilala siya doon o kapamilyang nadamay sa bagyo at baha ay di niya masasabi yun at malamang isa na din siya sa galit kay Jacque Bermejo pero hindi.

Hindi ako natutuwa kahit joke. Kasi unang panood ko pa lang doon sa video footages sa TV ng mga binaha at lalo na yung isang grupo na inanod sa ilog at nagkawatak-watak nung humampas ang kanilang kinatatayuang bubong ay parang naiiyak na ako.

Parang isang pangkaraniwang panlalait ito sa mga may kapansanan o mga "chaka" o mga "jologs" o mga "hampas lupa" na nakikita sa paligid. Simpleng banat na walang balak manakit pero iba yung epekto.

Malamang sa makakabasa nito, maaaring may magalit sa yaya ng pamangkin ko. Pero di ko rin masisisi nga, dahil di nga niya nararanasan yun. Pero sana di rin tayo makigaya sa kanila na ipagdasal na sana ganito at ganun sila para malaman nila yung pakiramdam.

Yung mga tumutuligsa, kung ang pagtuligsa ay sa paraang masama, anong pinagkaiba ninyo sa kanila? Wala. Pareho lang kayong di nagiisip sa mga salita. Pareho lang kayong masama. Sa halip na lait-laitin mo din ay pagsabihan sa matinong paraan o ipagdasal na lang siya na sana maliwanagan ang utak niya at magsisi sa sinabi. Di ka na nang-away di ka pa nagkasala. O di ba?


Wag tumanggi sa grasya

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Nakakagulat ang mga pangyayari nitong nakaraang weekend. Ito yung kinakatakot ko. Ang kamatayan. Nakapangingilabot ang pangyayari.

Kaya nga ngayon, dapat di na pinapairal ang arte sa katawan. Wag tumanggi sa grasya.



Di man kami nasalanta ng bagyo, though inulan at hinagupit din kami ng hangin yun lang nga at mataas ang lugar namin kaya di kami binabaha (thank you Lord), naging malaking aral sa akin yung mga napanood ko para pahalagahan lahat ng nasa paligid kahit na mumunting bagay.

Last Sunday, nakapag-mass ako ng 7:30 a.m. dahil di natuloy ang LET. Nakijoin ako dun sa mga magbabantay sa mag-eexam yun nga lang itong mga nasa kinauukulan eh di man lang nagsabi na di matutuloy ang examination at unang inanunsyo na sa Metro Manila lang ang walang exam. So, kanda-gising kami ng super aga para malaman lang namin na cancelled pala.

Anyway, tapos na yun. Dahil nga super aga namin dapat na nasa mga testing centers, di na ako nakapag-almusal at syempre di rin ako nakatulog sa pag-alala sa mga mahal sa buhay na nasa Manila na nastranded sa baha. Kaya after ng mass, nagplano akong kumain. May sumama sa akin. Pero ang sabi ko kailangan kumain din siya dahil ayoko na kumakain ako nang pinapanood lang ako.

Nagkasundo kami na kahit fries ay kakain siya pero biglang nagback-out siya nung umoorder na ako. Ako naman na may extrang pera noong panahon na yun ay nagmagandang loob na ibili siya (for free yun) ng balak niyang bilhin sana. Kasi nga sabi niya ay sayang ang pera kaya di na lang siya kakain.

Nung umupo na kami biglang bumanat na di daw nya kakainin yung inorder ko at ako na lang daw ang kumain nun. Sa totoo lang nung time na sinabi nya yun, gusto ko syang murahin sa inasta nya. Parang mali ako sa ginawa kong pagmamagandang loob. I don't see the point kung bakit umaarte siya ng ganun. Until now talaga naiinis ako pag naaalala ko yun.

Sinabi ko na kanya yun. Nakasanayan ko na yun palagi na kapag kasama ko siya o kung sino pa man na ininvite ko na kumain ay ililibre ko as long as may money ako. Kung wala, di ako kakain para di naman pangit na ako lang ang nag-eenjoy. Ilang beses kong inulit sa kanya na kainin na nya yung binili ko. Nagtitimpi ako ng galit. Alam kong maliit na bagay lang pero iniisip ko na napakaraming tao na nangangailangan ng food to eat pero heto siya at nagiinarte sa di ko alam na dahilan.

Huling sinabi ko sa kanya "Kulasa(di tunay na pangalan) sinasabi ko sa iyo pag di mo kinain yan iiwan ko yan dito masasayang lang yan. Kung nanghihinayang ka sa pera mong panggastos, mas manghinayang ka diyan sa binibigay ko." Poker face na ako at talagang pigil sa panggigigil.

Natakot yata sa akin. Dahil di ko na kinakausap ng matino. Nagtatanong siya at sinasagot ko pero halatang wala na ko sa mood. Nakataas na din ang kilay ko at ramdam kong namumula na ako sa inis. Kinain na niya yung food. Kahit paano ay nabawasan yung galit ko that moment.

Until now, cold treatment ang drama ko sa kanya. I know alam nyang masama loob ko sa kanya. I told myself, di na ako uulit na manlibre o magabot ng kahit na ano pa sa kanya. Yun ang kapalit ng ginawa nyang kaartehan sa akin. Siguro nga dahil umangat na siya sa buhay at di na siya yung taong palaging nangangailangan ng tulong. Siguro nga umakyat na sa ulo nya yung kung anong karamdaman meron ang mga nakakaangat mula sa hirap.

Napakaaga pa para magmataas. Saka di lang ito yung time na talagang sumama ang loob ko sa kanya. Di ko magets kung bakit biglang nagshift yung ugali niya sa napakabait to someone na parang di ko na kilala. Kung sumagot sa akin parang di ako nakakatanda sa kanya. Anyway, bahala siya. Sinira lang nya yung na-invest kong pagpapahalaga sa kanya bilang friend.

Sana matuto syang lumingon sa pinanggalingan.

---------------------------------------------------------
May sense ba sinabi ko? Parang naguluhan ako sa post ko ngayon wahehhehe


--------------------------------------------------------

Sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy sana makaraos kayo sa hirap na pinagdaanan nyo. Sa mga di naman nasalanta sana makatulong tayo sa kahit na anong paraan na pwede tayong tumulong... Kailangan nila tayo.


Death becomes her

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Tulad ng mga characters sa movie na Death Becomes Her, if I have an opportunity to drink the live-forever potion, iinumin ko din yun.

Wala naman siguro akong thanatophobia, masyado lang akong maisip. Lalo na kapag masyado kong iniisip yung mga maaaring mangyari in the future.

I know, mamamatay din naman ako. Di pa nga lang ako handa. At lalong di ako handa na mawala yung mga mahal ko sa buhay. Parang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. At di ko rin matetake kung di maganda ang pagkamatay ko.

Masyado kasing napapadalas yung mga eksena sa TV na puro namamatay sa aksidente at sa sakit. Ang creepy creepy sa pakiramdam.

Naalala ko pa noong nagkaroon ng isang sharing session. Tinanong kami kung ano ba yung greatest fear namin. Sinabi ko na takot nga akong mamatay o mamatayan. Napaka-hypocrite ko naman kung sasabihin kong hindi. Yun naman ang totoo. At karamihan naman sa mga nabubuhay sa mundo ay ayaw mamatay not unless yung mga may suicidal tendencies siguro eh di takot mamatay kahit ang totoo nagkukunwari lang sila.

Gusto ko pa kasi na maenjoy ang buhay ko. Kung pwedeng umabot ng hundred years or more tatanggapin ko. Kung magiging immortal ako payag ako. Wag lang akong magiging engkanto pero pag fairy na cute at mabait eh why not hehehe.

Pero sa kabilang banda, talagang ganun nga. Kailangan kong tanggapin. Sana lang when that day comes, fulfilled na ako o nagawa ko na yung gusto ko sa buhay. Wag muna ngayon at lalong wag bukas. Make me and my loved ones live longer...Amen.


Pasado

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Isang linggo ko din akong kating-kati nang malaman ang grade ko sa comprehensive exam na dumagdag sa kalyo ng daliri ko dahil sa walang kamatayang essay tungkol sa kung anu-anong bagay.

Pakiramdam ko pa nga babagsak ako dahil sa kalokohan ko sa sagot ko dun sa tanong na "What is your philosophy in life?," Di ko alam kung naikwento ko na ito last time, ang isa sa mga sagot ko ay "Life is beautiful" at ang explanation ko, "... so am I."

Yun yon eh! kakaba-kaba ako. Kahit alam kong kasalanan ko talaga pag bumagsak ako dahil sa kalokohang yun.

Awa ni Bro, pasado ako. Wooooohooooo!!!

Noong Saturday ko pa nakuha yung result. One week after official na nirelease ang mga grades. Medyo nanliit pa ako sa nakuhang grade nung kaklase ko. 90% daw siya. Nainggit ako. Kasi alam ko na di ako aabot sa ganun kataas na grade.

Pero umasa ako na kahit na di ganun kataas basta mahalaga na pasado ako. Kahiya-hiya naman kasi na ako lang ang babagsak.

Nung inabot sa akin ang result. 91% (blush) Pero di ko pinagmayabang. Nahiya pa nga akong sabihin sa iba yung result ko. Basta sinabi ko na lang na pasado ako. Dito ko lang pinagmayabang kasi wala lang. hehe.

Isa pang nakakatuwa, yung first three chapters ng thesis ko ay okay naman. Kaiba din sa inaasahan ko, konting polishing na lang --edit edit-- tapos pwede na daw ako magpa-schedule ng defense.

Kung ako ang papipiliin, ayokong mag defend ng proposal. Kasi 10k pesosesoses ang mawawala sa akin. Wala namang kapalit yun. Basta ibabayad lang sa mga wala namang naitutulong na mga tao. Bat kasi naman nauso yun dun sa school na yun. Tsk tsk. Pera pera talaga.

Anyway. Matapos ko muna ito at haharapin ko na ang mas malaki-laking gastusan. Ang pagpapamudmod ng questionnaire at kung anu-anong mga bayadin. Good luck ulit sa akin!


Toingks!

0
Posted by: Klet Makulet, 0 comments

Kapag wala kayong magawa at di makapag-isip ng ibo-blog, try ninyong sumali sa isang bagong forum na itinatag din ng kapwa natin Pinoy--ang Toingks Forum.




Itinatag ni Toingks ang forum noong Abril 2009 ngunit ang blog nito na Entertainment and News update ay matagal nang naitatag.

Itinatag for fun, for friends, for infos, for entertainment and for everything na pwedeng gawin dun. Kitakits mga tol!


hambak!!!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Hambak!!! Yan ang madalas kong i-shout sa mga chatbox o kaya sa mga kausap ko sa YM.

Nawala kasi ako ng medyo may katagalan. Napasubsob sa pagkarir sa thesis na walang kasiguraduhan. Ni hindi ko pa alam ang resulta ng exam dahil wala akong oras na kunin sa office ng dean ang aking papel. Mataas naman daw ang nakuha ng aking kaklase. Ako kaya?


Kakasubmit ko lang kahapon ng first three chapters ko. Sigurado akong madaming guri-guri nanaman yun. Malamang pulang ballpen ulit ang gagamitin ng adviser ko kasi sablay nanaman ang aking ginawa. Mga tatlong linggo na lang bibitayin na ako. Proposal na, ni hindi pa kami pinipirmahan sa registrar's office. Kasi naman, kelangan pa daw namin kumuha ng 3 prerequisite subject para sa course namin bago kami pirmahan. Hello??!! Ilang taon na kaming nageenroll sa university na yan, at sinabi sa amin na wala kaming kailangang kunin na subject pa para makatuloy sa course na yan tapos ngayong patapos na kami ay iipitin? Pera-pera nanaman ba ito? Tsk tsk tsk.

Nagbabalik nanaman ako sa pagkareklamadora ko. Unang post after 12 days, laman ay reklamo. Tama nga yata yung post ni gillboard... madalas reklamo at problema ang laman ng blog ng mga babae... kaso lalake ako. Nyah!


Salamat po

Posted by: Klet Makulet, 1 comments

may nakalimutan akong pasalamatan noong nakaraan na nagpunta ako sa Pambansang Aklatan. Habang nakasakay ako sa lrt (sa area ng mga lalake) ay may gentleman na nagpaupo sa akin kahit na mukhang gusto na talaga niyang umupo. Nakaputi siya na t-shirt na may parang Dr. Marty yung nasa baba ng malaking tatak Maui ata yun di ko rin sure. Tapos checkered na black, beige and white ang short nya na uso ngayon sa mga guys at naka-chucks siya na di hi-cut. Salamat dude. Mabuhay ka!



Salamat sa maliit na butas na ginawa ng tito ko sa kisame ng kwarto ko at may dagang maliit na naligaw at napasuot doon. Kinagat tuloy ako. As of now, di pa naman ako nakakaramdam na mamamatay ako sa kagat nya. Nginatngat lang nya ang dulo ng index finger ko. Kasi naman ako turo ng turo sa dagang naglalaro tapos nagsinungaling pa ako at sinabi kong mabait siya. Ayan nagalit. Salamat na din nakapaglinis ako ulit ng kwarto.


Salamat at tapos na ang exam namin. Wala pa yung result. Next week pa daw. Palibhasa kasi di nila macheckan yung puro essay. Di rin daw ipapakita yung mga test papers namin at scores na lang ang ipopost nila. Tsk... something fishy... sana pasa ako kahit mukhang ihohocus-pocus lang nila yung result.

Salamat kay Dr. A.L., kung hindi dahil sa kanya di ako maliliwanagan sa tamang paggawa ng thesis. Tama naman yung ginawa ko pero may ilang mali din na ginawa ko. As usual internet muna ang hinarap ko bago ang thesis. Ang bait ko talagang estudyante.

Salamat at may pera pa ako. May ugali kasi ako na suksok ng suksok ng pera sa kung saan (iba sa pagiging burara) nasusurprise na lang ako na may pera pala akong nakatago. Tulad kanina, may 100 pesos pala ako dun sa isang pocket ng bag ko. May pangkain na din ako.

Salamat sa birthday ng katulong namin, nakatsibog nanaman ako ng madaming madami. Lalo na akong di kakasya sa uniform ko. Salamat din sa mother ko at ipinaghanda niya si Inday (di tunay na pangalan).

Salamat at patapos na ako sa entry ko na ito. Yun na muna. Salamat po!


Ngarag!

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Galing ako ng Divisoria. Mga 6 a.m. pa lang nandun na kami. Excited no?

Mamimili kasi kami ng para sa birthday party ng pamangkin ko. He's turning 1 this coming October. Cars ang theme.

Medyo marekutitos. Kelangan Cars talaga. Medyo mamahalin ang gusto nila.

Kahapon pa naman ay natapilok ako. Kaya kanina para akong pilay na halos hilahurin ko na ang paa ko sa paglalakad. Akalain nyo ba namang libutin namin ang halos tatlong malalaking mall doon! Buti at di na nila inisip na pasukin pa ang Tutuban Mall.

Balak ko na sanang mamili ng pangbibigay ko sa Christmas (super advance) kaya lang dahil nga may ibang hinahanap kami ay di ako makasimple ng pamimili. Buti na lang at nakabili ako ng dalawang baboy coin bank sa isang tindahan na tinigilan namin.

Kahit papaano ay nakapagpalubag sa loob ko kahit pagod, ubos ang pera at puyat.


About my exam... 2 weeks pa daw ang result. Kainis! Ang hirap .... magsulat... at magsagot na din puro essay!

-------------------------------------

Ngayon ko lang nalaman. Nawala na pala mommy ni Uno...online friend namin... ngayon ko lang nalaman. Walang nag-inform sa akin. Sayang kung kelan ako nasa Maynila. Condolence sa kanya at sa pamilya niya. Siguro talagang kailangan na niyang magpahinga.May she rest in peace. Amen


Tulog, Kulog , Aklat, Pulikat, Puyat

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Tulog

As usual inaantok ako dahil puyat nanaman. Walang pagbabago. Kaya kaninang umaga ay gusto ko nang umuwi at sabihing may sakit ako at di ko na kaya pang mag-stay. Kaya lang tinamaan ako ng hiya. Walastik kasing hiya yan. Pwede naman kasi akong umabsent. Walang problema. Problema ko lang ay kung pano ko ipapakitang talagang sick ako. Kasi inaantok lang talaga ako at nanlalambot dahil sa puyat. Saka medyo mabigat din ang pakiramdam ko sa batok.


Kulog
Sa aking pagtyatyaga ay alas-dose na. Kainan na!!! Mabilis kong inubos ang pagkain ko. Medyo naduduwal na nga ako kasi di naman masyadong nanguya ang pagkain tapos tutulog pa ako.

Maganda na sana eh. Okay lang ang 30-minute idlip. Kaya lang biglang umulan. (Anong connect?) Di ba mainit? Init + lamig = kidlat = kulog ... waaaaaa ayaw ko yung dalawang huli!

So papunta na ako sa state ng pagtulog ng biglang narinig kong umulan. Masarap at malamig lamig na. Masyado kasing mainit. Ilang araw na humid ang panahon. Ang masama, (malamang kumidlat) ay kumulog ng pagkalakas-lakas. Meaning malapit lang ang kidlat! Huhuhu. Matitiis ko sana yung kumukulog ng mahina. Yung parang may nagbobowling lang. Kaso parang may giyera na at pinapasabog na ang kuta ng mga Hapon!

Isang malakas ng kulog (BOOM!) nagulat ako! Aatakihin ako sa puso. Pumintig nang hindi normal. Malakas. Ilang beses yun. Di ako nakatulog.


Aklat

Wala nang kinalaman sa kulog.

Para akong namakyaw ng libro sa library. Salamat at VIP ako. Nakahiram ako ng halos sampung libro. Babasahin ko kasi may exam ako sa Sabado. Ngayon ni hindi ko pa nasisimulan. Magrereview pa ako ng past topics at subjects namin. Parang kakayanin ko ng isang araw. Information overload nanaman ito.


Pulikat

May sumigaw sa pangalan ko. Sumagot ako. May sumisigaw ulit pero hindi na pangalan ko kundi aray na. Kapatid ko yata yun.

Tumakbo ako papunta sa kwarto nya at nakita ko siyang namimilipit. Nandoon na si mother para tulungan siya kaso maling paraan.

Pinulikat si kuya at si mama ay ginalaw-galaw ang paa niya na lalong ikinasakit ng pakiramdam ni utol. Napasigaw tuloy ako ng HUWAG!

Parang pinagsasamantalahan si kuya. Natatawa ako. Namimilipit siya sa sakit. Pagkalaki-laki pa naman niyang tao.

Tinulungan ko siya. Medyo matagal. Iginalaw ko lang ang paa nya sa kabilang direksyon ng pulikat. Minasahe ko ng konti ang paligid ng kanyang binti para lumambot ang muscle. Nahimasmasan siya. Natatawa talaga ako na naaawa.


Puyat
At sabi ko nga, walang pinagbago. Heto at puyat nanaman. Buti na lang bukas ay nagpaalam na akong di papasok. Pero madami pa din akong gagawin.

Madaming gagawin pero heto at pa-blog-blog pa ang bruha. Sana makapasa po ako sa exam at sana makapag-submit na ako ng Chapter I at III. Yung Chapter 2 ay to follow na lang. Madugo yun kasi English. Nosebleed ito!


Nalimutan ko ang iboblog ko...

4
Posted by: Klet Makulet, 4 comments

Share ko muna itong text sa akin.

Texter: Klet si Ms. Valenzuela ba ang nanalo sa Ms. U?

Klet: Venezuela po di Valenzuela


Gusto kong tumawa ng malakas pero di pwede kasi magmumukha akong tanga na tumatawang mag-isa. Nakakatawa kasi seryoso siya. Nakakatawa kasi Valenzuela. Hihirit pa sana ako kaya lang baka magalit sa akin. :P



Bago ako magpost nitong tungkol kay Valenzuela eh nalimutan ko na yung ipopost ko. Tsk! Ang hirap kapag ganitong nakakalimutan ko yung dapat kong i-blog. Inuna ko pa kasing makichismis sa post ng iba bago ko ito iuna.

Salamat na lang kay Valenzuela may naipangsingit ako. hekhek!


Use "guava" in a sentence...

7
Posted by: Klet Makulet, 7 comments

Naaalala ko pa ang joke na ito na bentang-benta sa mga kaklase ko. Hanggang ngayon bumebenta pa din.

Klet: Use "guava" in a sentence...

Classmates: (iisip ng kung anu-anong sentence na pwedeng gamitin ang salitang guava hanggang mapagod at humirit na ng "sirit")

Klet: i just got a new haircut masaguava?

Classmates: Bwahahahahahaha


Opo totoong bagong gupit ang inyong lingkod. Kumusta ang gumupit? Ayun! Buhay pa naman. Medyo napaiksi (as usual) sa sinabi kong haba ng ititirang buhok. Buti at di naging mohawk ang dating. Lalong bumilog ang mukha ko. Ke-taba-taba ko pa naman. Siopao na siopao nanaman. Bukas malamang ay tutuksuhin nanaman ako ng kapatid ko.

sagot sa joke...Oo masagua nga!!!


Pagkatapos naming magpagupit ng mother ko ay pumunta kami ng mall. Mamimili daw kasi siya ng clorox at sabon. Inulit ko pa ang sinabi niya sa paraang patanong...clorox at sabon? sure ka?...

Paano ba naman. Kapag sinabi niyang yun lang ang bibilhin, malamang sa malamang ay higit pa dun ang iuuwi niyang nabili. At di ako nagkamali.

Dati, ang sabi niya, kamatis lang daw. Naghintay kami ng isang oras sa kanya sa palengke dahil sa akala namin na kamatis lang. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang sandamakmak na gulay. Kamatis lang pala ha!

Ganun din ngayon. Mula sa clorox at sabon ay nakagastos siya ng kulang-kulang dalawang libo dahil may gulay, karne, toiletries, flavor mix, at kung anu-ano pang hindi naman masasabing clorox at sabon. Yan ang nanay ko, walang isang salita! :P

Nanood nga pala din kami ng "And I Love You So" as in pinilit niya ako. Libre na para lang sumama ako. Maganda. Nakakarelate ang nanay ko. Paano katulad siya ni Bea sa kwento... byudang nainlove... yun lang matagal bago kami nagkaroon ng ikalawang tatay. Di ko lang alam kung nagsasalita din ba ang nanay ko ng mag-isa nung namatay ang tatay ko. Sa tingin ko naman ay hindi. May nakakatawa at madaming nakakaiyak... Sa mga di pa nakakapanood. Nood na!


SaKlet ng Ulo

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Uu sakit ulo ni Klet. Sooooobrang Saket! Habang and thesis ko ay di pa nabubuo... muling nabubuo... Ang gulo!!!! Hu hu hu.

Naghihintay pa ako na mag-upload ang sandamakmak na pichurs sa multiply. Kaya blog blog blog muna ako.

Di ako makahingi ng Ingat Med a.k.a. Biogesic sa nanay ko kasi tulog na siya. Masamang gisingin kasi mahirap din patulugin. may amnesia este insomnia po siya.

Umaalulong ang aso. Sarap batuhin ng loko. Pero wag bad yun. Be kind to animals. Sa isip ko lang naman yun. Nyek Lampas na pala ng alas-dose. Tsk. Kainis talaga nung alulong ng aso. Di naman siya lobo. Siguro naman walang aswang dito. nyah!

Lang kwentang post kasi nga masakit ang ulo ko. Yun lang po. Bow!


Multiply

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Dahil sa liit ng hard drive ng lumang laptop na to. Kelangan ko nang ilagay online ang pictures na matagal ko na gpinakatago-tago. Try ko ang multiply. Gumawa ako ng bagong account at naka-private ito.

Hanggang ngayon kasi ay di ko pa din nabibili (alinman sa WD o seagate) ang pangback-up kong HD. Ayaw kasi akong hatian ni kuya. Gusto lang nyang humati sa lalagyan pero di sa bayad. Nyorks!

Sana lang di kumalat ang mga scandal ko. Weheheheh


Halu-halong kwento ulit

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Madami kasing kwento na di ko naiboblog kasi wala lang minsan nakakatamad magpost ng yun lang ang topic at minsan wala lang din basta magulo hekhek. May pictures po na kasama kaya lang pagpasensyahan sa quality kasi lumang cell phone ang ginamit ko. :)

Field Demo...
Taun-taon ito sa school namin. Medyo naiba na nga lang ngayon kasi di na lahat ng grade levels ay kasali hanggang grade 6 na lang daw. Dati kasi hanggang fourth year o kung di ako nagkakamali pati college ay kasali. Di ko alam kung bakit nawala na yung iba sa presentation. Iba't ibang country yata ang tema nila, may Egypt, Mexico, New York, atbp.










A-kinse...
Happy na sana kaso nagkaaberya pa. Di nakapag-celebrate ng Quinquennial churvaness namin sa mismong a-kinse. Pero in the end, happy na din. May apat na dosena akong roses, sokolets at mga figurines na baboy! Tenchu!



Nilagay ko sa lalagyan ng ice cream yung flowers para di malanta agad. Hanggang ngayon ay buhay pa ito at di pa lanta. Ikalawang set na daw yan kasi nga nung 15 ay di siya natuloy pumunta sa amin. Di ko na nakunan yung ibang gifts. So sa ikalimang taon ay 60 pcs na siya? weeeheeee....

Sakit...
Yan kasing sakit sakit na yan eh kung bakit nauuso. Nagkasakit kasi si boyfie kaya walang celeb. Si klet nagkasakit din. Ngayon eto tumatahol tahol habang sumisinghot singhot.

Klet goes to Pambansang Aklatan
Ngayon lang ako nakapunta sa National Library. Astig ang laki, astig din ang amoy. Hinatsing ako. Pero andaming laman ha in fairness kaya lang wala akong matinong nakuha. Andami kasing ekek para makuha ang kailangan na libro, thesis, at kung anu-ano pa. Di tulad ng karaniwang library na mabobrowse na agad yung bookshelves.



Nagpa-ID muna kami (kelangan ng 1x1 pic... nagugupit na lang kami sa mga pictures na dala namin.. okay lang kahit pang-friendster o facebook ang pic basta kamukha mo okay na) tapos nag-register online. Di ko alam kung para saan pa yung registration Siguro para sa e-lib nila.

Naka-aircon naman siya kaya lang yun nga kulob yung amoy. Medyo madilim kulang sa ilaw.Feeling ko anytime may lalabas na mumu sa library.

Medyo hi-tech din sila kasi may list na sila ng mga books at iba pang articles sa computer. di ko alam kung OPAC din tawag dun basta yun, madali makita yung gusto mong hanapin. Kelangan nga lang kokopyahin pa yung buong pangalan ng book o thesis tapos yung accession number yata yun. Tas ililipat sa reference slip nila. Nakakatagal.

Sa dami kasi ng room nakakalito din at nakakapagod. Umuwi akong puro references lang ang nakuha. Buti na lang libre pamasahe ko.



Si Pepe at si Klet...
Yaman din lamang at nandun na ako pinuntahan ko na din si katotong Pepe. Grade 2 pa yata yung last naming pagkikita. Kahit umuulan at pinasok na ng tubig ang sapatos ko, hinila ko ang kasama ko sa Luneta para masilayan muli si Jose Rizal. Nameet ko din si Lapu-lapu at iba pang mga may busto dun nalaman ko na meron palang "Datu Ache" di ko lang nabasa kung ano ang nagawa nya nagmamadali na kasi ako.






More tissue please...
Nagpunta kami sa SM Manila para kumain at manghingi ng tissue. Nagiipon kasi ako ng mga tissue na may tatak. Nakakuha ako ng tissue sa Goldilocks kahit di ako kumain. Pinakuha ko ang kasama ko.

Akala ko may tatak yung sa Sbarro, nakabili-bili pa kami ng New York churvaness Pizza nila, wala palang tatak yung tissue. Hmp! Sana pala yellowcab na lang nakita ko meron.

Nakakuha din ako sa Lydia's Lechon. Di ko akalain may tatak effect pala ang tissue nila. Sosyal! Heto nga pala yung kinain ko:




Lechon at Lechon sisig. Masarap siya at madami. Sa halagang 128 may dalawang ulam na at may softdrinks pa at tissue na may tatak, pwede na!

So dalawa lang nakuha ko kasi yung iba ay meron na ako. Sa susunod maninilip muna ako sa mga kumakain kung merong tatak yung tissue nila o wala. Saka ako kakain dun.


Thesis...
Wala pa din akong matinong naaayos. Andaming binago. So back to zero ulit ako. Last week ng August may exam ako tapos baka first week ng October may thesis proposal ako (defense) andaming kaekekan kasi. Andami pang gastos. Hay!!!


Yun lang muna. :P


Such a lonely word

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Honesty is such a lonely word.
Everyone is so untrue.
Honesty is hardly ever heard.


Tatlong maikling linya ng kanta ngunit punung-puno ng laman at katotohanan.

Nakakalungkot dahil kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay siya pang nanloloko sa iyo.

Ang kasinungalingan ay pinaguugatan ng iba't iba pang kasalanan.

Tama nga ang kanta. Ang katotohanan at pagiging totoo ay minsan lang talagang marinig at mangyari. Dahil lahat ng tao ay sinungaling.

Kung sino man ang magsasabing di sila nagsisinungaling, eto lang masasabi ko...












SINUNGALING KA!


Buti pa sila

3
Posted by: Klet Makulet, 3 comments

Ramdam ko dahil isa din ako sa milyun-milyong Pilipinong nagtitipid ng pera para may magagastos at makakain pa sa kinabukasan. Ang mga kabataan at ang mga nakakaintindi ng sitwasyon ay may kinikimkim na sama ng loob sa mga nasa katungkulang walang pangingiming gumastos ng halos milyong piso para lamang sa isang hapunan.


Buti pa sila, sisiw lang ang magtapon ng pera, samantalang ang taong bayan ay nangingimi pang gumastos ng kahit piso para sa isang pagkaing maglalaman sa gutom nang tiyan.

Buti pa sila, hindi nila nararamdaman ang hirap pagkat puro sarap na lang sila at pagpapakasasa sa rangya ng buhay bilang nasa puwesto.

E ano naman kung libre lang ito? Tama bang ikatuwiran ito? Hangal ba ang tingin ng MalacaƱang sa taong bayan na ang ganitong rason ay magpapahupa na lang basta-basta sa galit sa kanila? Malamang hindi.

Kung tutuusin, wala silang karapatang gumastos ng ganoon kalaki lalo na at ang kanilang bansa ay baon sa utang, lubog sa baha ng kahirapan, natatabunan ng gumuguhong pangarap at patuloy na umaasa sa pangakong matagal nang napako. Sa halip na ang halos isang milyong pisong ginastos ay ipinambabayad na lang sa ilang taong utang ng PGH sa tubig at kuryente na siyang inaasahan ng mga mahihirap na di kayang bumayad sa mataas na bayarin sa pagpapagamot, sa halip na ikinain ay igugol ang perang ginastos sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, na dapat ay inilalaan na lang sa mas kapakipakinabang na mga bagay kesa sa isang gabing puno ng kaganidan at kaswapangan.

Bukod pa sa marangyang hapunan ay ang biglang paglobo ng kayamanan ng mag-asawa. Buti pa sila. Ang saya-saya no?!

Kay lakas ng loob na ipagmalaking di siya kumikita habang nasa posisyon samantalang kabi-kabila ang mga patunay at nagsusumigaw na katotohanang nangangamkam at nagpapakasasa sila sa yamang dapat ang taong bayan ang tumatamasa.

Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ano kaya ang sasabihin ng ama nyo kung nabubuhay pa siya? Siguro ay ikinahiya ka na niya sa pagyurak sa pangalang kaniyang iningatan.

Buti pa sila, para silang mga manhid na walang nararamdamang kahit na anong hiya sa sarili. Deadma! Wa Pakels!

Buti pa sila... Paano na ang masa?


Road Trip to Paete, Laguna

2
Posted by: Klet Makulet, 2 comments

Biglaan ito kahit na kagabi ay tinanong na ako ng kapatid ko kung gusto kong sumama sa kanya sa Paete. Di ko inaasahan na ngayon pala yun at medyo may kaagahan ang pag-alis namin.

Ito ay isa sa mga medyo malayo-layo ko na road trip na di kasama ang buong pamilya.




Mga alas-otso ng umaga ay naghanda na kami papunta ng terminal. Akala ko nung una ay dadalhin namin yung kotse (ang sarap sana nung kaya lang...) hindi pala. Iniwan namin sa terminal at sumakay kami ng jeep papuntang Sta. Cruz, Laguna. Mabagal yung jeep noong una. Nakakaantok. Pero paglampas ng bayan ng Tayabas, Quezon ay umarangkada na ang jeep na parang may byahe kami papuntang impyerno. Para kaming naka-rollercoaster sa bilis at umaangat pa ang pwet namin sa mabilis na pag-ahon. Napakapit na ako.

Mamasa-masa ang trip na yun. Patagal ng patagal ay palamig ng palamig. Umaakyat kami kasi papuntang Lucban, Quezon. Nanggilid kami sa Bundok Banahaw.

Ikalawang pagdaan ko na itong araw na ito sa zigzag na yun. Una ay mga lampas anim na taon na ang lumipas noong papunta kami ng buong mag-anak sa Baguio. Noon ay bago pa lang ang daan pati na yung mga bakod ay bagong pinta pa lang. Ngayon ay may yupi na dahil siguro sa mga ilang napapabangga o tumatama doon. Kinalawang na din sa katagalan.

Para kaming pumunta ulit sa Baguio dahil dumaan nga kami ng zigzag at nakakakita ulit ako ng fog. Ang lamig!

Bihasa si manong driver sa daan hindi katulad noong driver ng sasakyan namin dati na umusok yung harapan ng sasakyan dahil di yata sanay sa pagtimpla ng preno ay silinyador para lumiko-liko. Di naman nakakahilo.

Dumaan kami (ang mga naaalala ko lang ha) sa Luisiana, Cavinti (kung saan ay sikat ang paggawa ng sumbrerong gawa sa buli o bunliw), sa Lumban kung saan naman ay mukhang sikat ang embroidery (ang dami kasing tabi-tabing embroidery shop doon), at sa Paete kung saan kami patungo.

Mula Lucena hanggang Sta. Cruz ay 60 pesos per tao ang pamasahe sa jeep tapos siningil kami ng 12 pesos per tao din papunta naman ng Paete. Sumakay kami ng tricycle papunta sa isang school malapit sa Valdellon street at siningil kami ng 18 (para sa dalawa na). Nakakatawa pa nga kasi ang layo ng upuan mula sa pinto ng tricycle kaya muntik nang mapaupo sa sahig si kuya. Sikip kami kasi pareho kaming malaki pero mas malaki siya syempre dalawa ang capacity nya eh.

Napasugod nga pala kami sa Paete dahil magpapagawa kami ng birthday souvenir ng ninong ng kapatid ko. Yung unang nakausap ng kapatid ko (contact nya sa Sulit.ph) ay di pala nagawa yung usapan nila. Kasi daw iilang piraso lang kaya inuna yung madami nilang order (medyo mali yun pero hinayaan na lang namin kasi mahirap nga naman mag-carve o lilok ng paunti-unti at maliit ang kita). Dahil wala kaming nakuha kahit sample man lang, nagpunta kami sa iba pang tindahan.

Bago kami nag-ikot-ikot, kumain muna kami. Dahil sinuggest ng pinuntahan namin ang Benga's Paete Eatery (na kilala yata doon na masarap ang luto) dun kami kumain. Pangmarahimang serving ang bawat order doon. Kaya nga pala Benga ay sa aking pag-oobserve ay mga Intsik ang nagmamay-ari noong kainan. Umorder kami ng Pork Sisig, Pancit Ulam (na sinuggest nung kumukuha ng order namin na specialty din nila), Sitsarong Balat ( na nagmumura ang mantika at taba ng baboy ... nakakapagpasakit ng batok ), 4 na order ng kanin at 1.5 Coke. 300 pesos ang bayad namin. Sobra pa yung ulam. Pipilitin ko sanang ubusin kaya lang talagang ang dami nung sisig at pansit. Pakiramdam ko ay mamahighblood ako sa pinaghalong busog, dami ng cholesterol ng chicharon at sisig, at anghang ng ulam. Buti na lang at naaalis ng Coke ang anghang ng sisig. Whew!

Pagkatapos noon, back to business kami. Yung katabing tindahan ng Benga's Eatery ang nakapagbigay sa amin ng magandang offer, ang Pascual's wood carving, para sa 100pcs na beer bottle (na gawa na lang sa resin para mura.) Kumpleto na yung detalye pati kulay. Wala na kaming iisipin pa. Nagbigay na din ng down payment si kuya.

After ng business ay picture-picture naman kami sa pali-paligid. Kahit umuulan ay binalewala namin. Si kuya na lang ang nagpayong kasi di kami kasya. Since mas madali siyang magkasakit kesa sa akin, siya na lang ang pinagpayong ko at naglagay na lang ako ng panyo sa ulo (ambon lang naman kasi.) Nakapagpicture kami ng mga tindahan ng mga wood carvings pati mismo yung mga naglililok. Tapos nagpunta kami sa simbahan na hindi ko alam kung bakit sarado. Siguro dahil holiday din sila. Sayang di kami nakapagdasal sa loob.

Bibili sana ako ng souvenir ko. May nagustuhan ako na bibilhin sana kaya lang kulang ang aking dalang pera. Wala kasi talaga akong balak gumastos. Isang baboy na nasa basket. Gawa sa kahoy at di sa resin. 250 pesos ang singil. Di ko na natawaran kasi di ko rin naman mabibili. Sa pagbalik na lang siguro ng kapatid ko saka ko siya papabilihin, sana lang mabawasan ang presyo kasi mas maliit siya dun sa isa pang baboy sa basket.

Umuwi kami na basa pareho ang sapatos pati ang medyas. Di naman namaho ang paa namin. Sumakit din ang tenga ko dahil siguro sa lamig at medyo mataas yung lugar na mga dinaanan namin. Pagod, masakit ang pwet sa haba ng byahe, pero masaya at busog.

Sa uulitin. Next time sa ibang lugar naman!

Ang nagastos namin ng kapatid ko lahat lahat ay 598 pesos. Di na masama para sa isang buong araw na lakwatsa.


Sa may Simbahan...

5
Posted by: Klet Makulet, 5 comments

...Ako ay naghintay ng medyo may katagalan sa aking kasamang magsisimba. Medyo may inis dahil ayoko nang naghihintay ng matagal at nagmumukhang tanga sa hintayan. Nagmumukha kasi akong ewan na parang baliw na patingin-tingin na parang inindian ng ka-date. Buti na lang at dumating din. Yun nga lang nakapag-simula na ang misa nung kami ay pumasok. Babae ang kasama ko (pagliliwanag lang hehe.)


...Kami ay natawa at nagulat. Dahil bukod sa nakarinig kami ng salitang "lintik" mula sa Monsenyor ay biglang sumigaw siya at nanggulat sa kanyang homiliya. Kilala siya sa ganung istilo kaya lang madami pa din ang nagulat. Ako, hindi, pero medyo sinakitan ako ng tenga sa lakas ng sigaw nya. Nakakatawa kasi halos napalundag sa gulat ang ilan. Tawa tuloy ako ng tawa. Si Monsenyor naman ay nangingiti sa nangyari.


...Ako ay nainis. Paano ba naman may isang ale na nakiupo sa tabi namin. Kaso sikip na nga sa hilera namin at nagmove na kami ng nagmove ay panay pa din ang move nya papunta sa amin. May pagka-insensitive. Kaya di ko siya sinabihan ng "peace be with you" kasi ayokong maging plastic. Tama nang kasalanan ko ang mainis sa kanya kesa magkunwaring ok lang sa akin. Nagsorry naman ako sa Diyos sa inasal ko pero di sa kanya.


...May bad breath akong naamoy. Malabong sa akin yun dahil di ako nagbubuka ng bibig. At oo, di ako nagpaparticipate sa misa kasi nga inis ako. Di ko alam kung yung amoy ay nanggagaling sa active na katabi ng kasama ko dahil mas napalapit kami sa kanya o dun sa ale na insensitive. Dumating lang kasi siya nangamoy na. Napatakip tuloy ako ng ilong ng makailang ulit. Feeling ko kasi hihimatayin ako sa amoy. Bandang huli nag-candy siya. Malamang siya nga yun.


...Nakita ko yung soon to be ex ng kakilala ko. "Soon to be" kasi di niya (nung girl) alam kung magbebreak ba sila o hindi kasi nga di nagpaparamdam yung guy. Buti na lang nasa simbahan at di nya ako kakilala in person kasi kung hindi napagsabihan ko na siya sa pagpapahirap sa loob ng babae. No reaction na lang ako at kunwari di ko siya nakita. Pinagdadasal na lang namin siya.


...Natapos ang misa at umulan. Ayun! Nabasa kami.


 
photo

Ako si Klet. Isang palaboy. Mabait at medyo (lang) makulet. May ilang tumatawag sa akin ng Mako o Makoy. Dati akong adik pero ngayon, adik pa din. Marami akong gustong gawin--gusto kong matulog, kumain, manood ng TV/sine, tumambay, mag-shopping, gumastos, lumaboy, dumaldal, tumawa, mangulit, magsungit, magchat, magblog, magforum, mangulekta (coins, stamps, tissue, chocolate wrapper, atbpang basurang pwedeng ipunin), at kung anu-ano pa. Ako si Klet.

Template and Icons by DryIcons.com